Shootout: Holdaper bulagta
MANILA, Philippines - Napaslang ang isa sa mga notoryus na holdaper habang arestado naman ang anim pa nitong kasamahan matapos makasagupa ang mga operatiba ng pulisya sa oil company sa bayan ng Pavia, Iloilo noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ang napatay na si Sonny “Boy” Daung habang sumasailalim naman sa tactical interrogation sina Raymund Parcon, 37; Elmer Velasco, 39; Joebert dela Cruz, 34; Raymund Ngimir, 54; Edwin Dagohoy, 37 at si Jomarie “Gine” Parcon, 34.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, pinasok at hinoldap ng mga suspek ang Kings Oil Company sa Barangay Jibaoan subalit nakahingi naman ng tulong sa pulisya ang isa sa kawani.
Dito na sumiklab ang bakbakan kung saan nasugatan si Daung at idineklarang patay sa pinakamalapit na ospital.
Nakorner naman ang lima sa mga holdaper habang ang isa ay nadakip sa follow-up operations.
Narekober mula sa mga holdaper ang dalawang cal. 38 revolver, cal. 9mm automatic pistol, granada, 10 units ng cell phone, hand radio, sari-saring ID’s at P24,400 cash.
- Latest
- Trending