^

Probinsiya

14-anyos nagbaril sa sarili

- Christina Timbang - The Philippine Star

Cavite – Dahilan sa sobrang pagmamahal sa kanyang lolang maysakit, isang 14-anyos na estudyante ang nagpakamatay matapos magbaril sa sarili sa Brgy. Bautista Sampaloc IV, Dasmariñas City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Police Supt Ulysses Cruz, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang biktima na si Orlando Coz III, 2nd year high school student at residente ng Zone IV, Brgy Sampaloc IV Bautista ng naturang siyudad.

Sa imbestigasyon ni PO3 Paulo Figueroa, may hawak ng kaso, dakong ala-1:05 ng hapon ng maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng biktima saka nagbaril sa sarili gamit ang pen gun na siya nitong ikinasawi.

Bago ito ay nagkulong ang biktima sa kaniyang kuwarto bunga ng sobrang depresyon dahilan sa nasa kritikal na kondisyon ang kaniyang lola sa pagamutan sanhi ng maraming karamdamang dala ng katandaan nito. Nabatid pa na ang biktima ay lumaki sa pangangalaga ng kaniyang lola na siyang nagpalaki dito.

vuukle comment

BAUTISTA

BAUTISTA SAMPALOC

BRGY

BRGY SAMPALOC

CAVITE

DAHILAN

DASMARI

ORLANDO COZ

PAULO FIGUEROA

POLICE SUPT ULYSSES CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with