^

Probinsiya

Tatay tinodas, sinilaban ng anak

- Joy Cantos - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Brutal na kamatayan  ang sinapit ng 86-anyos na tatay matapos hatawin ng dos por dos o matigas na kahoy saka sinilaban ng buhay ng sarili nitong anak na may diperensya sa pag-iisip sa liblib na bahagi ng Barangay Manogapaya sa bayan ng Banate, Iloilo kahapon ng madaling araw. Sa phone interview, kinilala ni P/Chief Insp. Ferdinand Dordas, hepe ng Banate PNP, ang napaslang na si Paulino Desamparado na nagmistulang uling ang bangkay matapos silaban ng anak nitong si Edwin Desamparado, 37. Samantala, nakaligtas naman ang sugatang ina na si Margarita Desamparado, 72, na humingi ng tulong sa mga kabarangay upang awatin ang baliw na anak. Lumilitaw na pasado alas-2 ng madaling araw nang lumabas ng kubo ang matandang Desamparado dahil nagsisigaw ang anak sa labas ng kanilang bahay. Gayon pa man nang dumungaw ito ay pinaghahataw ng sunud-sunod ng anak hanggang sa bumulagta. Hindi pa nakuntento ay hinila pa ng suspek ang duguang  ama sa loob ng kubo saka sinilaban kung saan naabo ang  kubo. Napag-alamang si Edwin ay dalawang beses nang labas-masok sa Mental Hospital sa bayan ng Potatan, Iloilo kung saan aminado ang opisyal ng pulisya na hindi nila maaring kasuhan ang batang Desamparado dahil  may diprensya ito sa pag-iisip.

vuukle comment

BARANGAY MANOGAPAYA

CHIEF INSP

DESAMPARADO

EDWIN

EDWIN DESAMPARADO

FERDINAND DORDAS

ILOILO

MARGARITA DESAMPARADO

MENTAL HOSPITAL

PAULINO DESAMPARADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with