^

Probinsiya

2 pulis sibak sa panggugulpi

- Joy Cantos - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Sinibak na sa puwesto ang dalawang miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng Cebu City PNP matapos makunan sa video footage na pinagtulu­ngang gulpihin ang inarestong estudyante mula sa Papua New Guinea noong Linggo sa Barangay Banilad, Cebu City, Cebu. Kasalukuyang  nasa Hol­ding Unit ng Cebu City Police Office ang mga suspek na sina PO1 Philip James Tanza, 28; at PO2 Bradford Lavandero, 32, habang isinasailalim sa imbestigasyon. Noong Lunes ay kinasuhan ng resisting arrest ang nagulping si Bennidict Penini, 29, Information Technology student na inaresto dahil sa pagwawala.

Gayon pa man, gumamit ng dahas ang dalawang PNP-SWAT matapos na hampasin ng Armalite Rifle ay pinagsisipa pa ang  biktima habang inaaresto. Samantala, magsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights sa kaso ng dalawang pulis kaugnay ng paglabag sa karapatang pantao na gumamit ng sobrang puwersa sa paraan ng kanilang pag-aresto. Ikinatwiran naman ng dalawang pulis na napilitan lamang gamitan ang puwersa dahil ayaw paawat ng biktimang  nagwawala kung saan isang taxi driver ang pinukpok nito ng bato. 

vuukle comment

ARMALITE RIFLE

BARANGAY BANILAD

BENNIDICT PENINI

BRADFORD LAVANDERO

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE OFFICE

HUMAN RIGHTS

INFORMATION TECHNOLOGY

NOONG LUNES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with