^

Probinsiya

Mister itinumba

- Christina Timbang - The Philippine Star

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang pamamaslang sa isang mister matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng hatinggabi.

Agad binawian ng buhay sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si George Aranchado, 43, ng Brgy. Anahaw ng bayang ito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, isang alyas Manny na may kaugnayan sa droga ang tumawag sa biktima at pinapapunta ito sa lumang palenge sa Brgy. Narra kung saan pagdating sa lugar ay agad itong nilapitan ng armadong salarin saka pinagbabaril.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng iba’t ibang kalibre ng baril at saka isang sachet na may lamang shabu. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen. 

vuukle comment

ANAHAW

BRGY

CAVITE

GEORGE ARANCHADO

ISANG

NAREKOBER

PATULOY

PINANINIWALAANG

SILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with