^

Probinsiya

7-anyos nene nailigtas sa hostage-drama

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matagumpay na nasagip ng hepe ng pulisya ang 7-anyos na nene matapos i-hostage ng drug addict sa dalawang oras na hostage-drama sa Cebu City, Cebu kahapon ng umaga.

Sa phone interview, sinabi ni Cebu City PNP Director P/Senior Supt. Melvin Ramon Buenafe  na pinangunahan niya ang negosasyon at rescue operation upang mailigtas ang biktimang Grade 2 pupil na itinago sa pangalang Judy habang nasakote naman ang suspek na si Paul “Junjun” Guigue.

Bandang alas-9 ng umaga nang bigla na lamang sunggaban ng suspek ang biktima bago dinala sa kaniyang tinutuluyang bahay sa CRCI compound sa Barangay Apas.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics Team sa pamumuno ni Buenafe na siya mismong nakipagnegosasyon sa suspek na armado ng ice pick at gunting.

Nabatid na ang suspek ay lango sa alak at humihingi ng P500.00 sa mga negosyador para pamasahe nito patungong Bohol.

Nang makakita ng pagkakataon ay sinunggaban ni Buenafe ang kamay ng suspek upang bitiwan nito ang hawak na dalawang patalim.

Sa presinto, sinabi naman ng suspek na may mga taong papatay sa kaniya kaya hinostage niya ang bata at inamin rin nitong isa rin siyang drug user.

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY APAS

BOHOL

BUENAFE

CEBU

CEBU CITY

DIRECTOR P

MELVIN RAMON BUENAFE

SENIOR SUPT

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with