^

Probinsiya

3 pulis sibak sa illegal logging

- Artemio Dumlao - The Philippine Star

BANGUED, Abra, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganin masibak sa tungkulin ang tatlong pulis-Abra matapos maharap sa summary dismissal proceedings dahil sa pagkakasangkot sa illegal logging.

Sina SPO1 Jerome Nelson, PO2 Gener Ortega at PO1 Feberick Talingdan ay kinasuhan ng grave misconduct dahil sa paglabag sa Presidential Decree 705 (Forestry Code).

Napatunayan ng mga imbetigador na sina SPO1 Nelson at PO2  Ortega  ay direktang may kaugnayan sa illegal logging habang si PO1 Talingdan ay namataang nagbababa ng ilang piraso ng narra lumber sa Campol furniture shop sa Barangay Bangbangar sa bayan ng Bangued.

Kasunod nito, ipinag-utos ni Cordillera police director Chief Supt. Benjamin Magalong sa lahat ng police directors sa anim na lalawigan sa nasa­bing rehiyon na mas pag-iba­yuhin ang kampanya laban sa illegal logging.

Nauna ng kinasuhan ni Magalong ang alkalde sa bayan ng Mt. Province dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal logging at inihahanda na uli ang isa pang kaso ng illegal logging sa isa pang mayor sa nasabing lalalwigan.

ABRA

BANGUED

BARANGAY BANGBANGAR

BENJAMIN MAGALONG

CHIEF SUPT

FEBERICK TALINGDAN

FORESTRY CODE

GENER ORTEGA

JEROME NELSON

MT. PROVINCE

PRESIDENTIAL DECREE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with