GRO pinugutan, pamangkin pinatay sa sakal
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 20-anyos na guest relation officer (GRO) na pinugutan habang ang pamangkin nitong lalaki ay pinatay sa sakal ng lalaking napatalsik sa trabaho sa Barangay District. 1, Cauayan City, Isabela kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang magtiyahin na sina Cristina Lapuz, at Rainer Lapuz, 3, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Samantala, tinutugis nang pulisya ang suspek na si Hernando Oslob na sinasabing dating ka-live-in ng kapatid ni Cristina na si Lilibeth Lapuz.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nadatnan na lamang ni Lilibeth na naliligo sa sariling dugo at halos humiwalay ang ulo ng kanyang utol na si Cristina.
Habang napatay naman sa sakal ang kanyang anak sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto sa nasabing lugar.
Sa salaysay ni Lilibeth sa pulisya na pinagbantaang papatayin ng suspek ang kapatid nito at anak matapos niyang ipagkanulo ang kinakasama sa kaso ng pagnanakaw kaya napatalsik sa trabaho.
Pinaniniwalaang nagtatago ngayon ang suspect sa kabundukan ng Cordillera kung saan ito ay sinasabing katutubong Ifugao.
- Latest
- Trending