^

Probinsiya

P1.6-M tinangay ng tandem

- Victor Martin - The Philippine Star

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Umabot sa P1.6M halaga ang tinangay ng ri­ding-in-tandem matapos holdapin ang isang sasakyan ng bangko sa bisinidad ng bayang ito kamakalawa.

Ayon sa pulisya, kasa­lukuyang bumabagtas ang isang Mitsubishi Adventure van na pag-aari ng Producers Bank na nakabase sa Bambang ng lalawigang ito sa kahabaan ng national highway sa Brgy Buenavista, Bayombong nang bigla umanong may bumato sa nasabing sasakyan.

 Dahil dito ay pansamantalang itinigil ni Rolando Agamata, 25, driver ang minamanehong van upang alamin sana ang tinamaan ng bato subalit bigla silang tinabihan ng riding-in-tandem na agad nagdeklara ng holdap.  

 Wala ring nagawa ang mga lulan ng van na sina Melanie Beltran, Branch Manager ng bangko; Jane Liquigan at Dondon Florez nang tutukan sila ng baril ng isa sa mga suspek at tina­ngay ang P1.6 M na halaga kabilang na ang mga cell phone ng mga biktima at personal na pera na nagkakahalaga naman ng P4,000.

 Ang mga biktima ay patungo sana sa Rizal Commercial Banking Corp.-Solano Branch sa bayan ng Solano upang magdeposito nang matiktikan ng mga suspek.

Nagsasagawa na ng followup investigation ang mga awtoridad sa kasong ito.

BRANCH MANAGER

BRGY BUENAVISTA

DONDON FLOREZ

JANE LIQUIGAN

MELANIE BELTRAN

MITSUBISHI ADVENTURE

NUEVA VIZCAYA

PRODUCERS BANK

RIZAL COMMERCIAL BANKING CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with