^

Probinsiya

Konsehal nabiktima ng basag kotse gang

- Christina Timbang - The Philippine Star

CAVITE, Philippines – Naging biktima ng “Basag Kotse” gang ang isa sa konsehal ng Imus habang ito ay nagme-meryenda kasama ang isang kaibigan makaraang iparada lamang nito sa gilid ng restaurant na kinainan ang kanyang sasakyan malapit sa munisipyo kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Councilor Emilio Aguinaldo, 32, may-asawa, Councilor ng Imus, habang mabilis namang tumakas ang mga suspek.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ernesto Gonzaga Dasalla Jr. dakong dakong ala-1 ng hapon ng iparada ni Aguinaldo ang kulay puti nitong Toyota Innova (SHU 595) na nakarehistro sa munisipyo ng Imus sa parking lot ng Cafe Marcelo sa Maestro G. Tirona St. sa panulukan ng Gen. E. Topacio St., Barangay Poblacion 1, Imus.

Kasalukuyan umanong nagmemeryenda ang biktima at laking gulat nito ng pagbalik niya sa sasakyan ay nadiskubreng basag ang bintana ng kotse at nawawala na ang 3 units ng portable radio na nagkakahalaga ng mahigit P21,000.00 at isang Ipad na may halagang P26,000.000. Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BASAG KOTSE

CAFE MARCELO

COUNCILOR EMILIO AGUINALDO

ERNESTO GONZAGA DASALLA JR.

IPAD

MAESTRO G

TIRONA ST.

TOPACIO ST.

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with