^

Probinsiya

107 nasagip sa lumubog na barko

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Lumukso ang dugo ng 107 pasahero at tripulante makarang mailigtas sila ng mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard mula sa lumubog  na barko sa karagatan ng Sibutu, Tawi-Tawi, kamakalawa. Sa ulat na nakarating sa kampo ng Philippine Navy, lumubog ang barkong M/L Lucky Man dakong alas-7 ng gabi matapos itong balyahin ng mala-dambuhalang alon. Halos nakalubog na ang kalahati ng barko at ang mga pasehero ay nagsipagpanik na at nag-aagawan pa sa salbabida nang datnan ng search and rescue team ng Naval Task Force 62 at patrol boat ng Coast Guard matapos matanggap ang distress call. Ilan sa mga pasahero ay nagtalunan na sa dagat habang ang iba ay umakyat na sa roof deck ng barko. Nasagip naman ang mga pasahero at crew bago pa mapahamak.

vuukle comment

COAST GUARD

ILAN

L LUCKY MAN

LUMUKSO

NASAGIP

NAVAL TASK FORCE

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NAVY

SIBUTU

TAWI-TAWI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with