^

Probinsiya

13-anyos nabuntis ng ama, nagbigti

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nasaklap na kamatayan ang sinapit ng 13-anyos na dalagita na sinasabing nabuntis ng sariling ama matapos itong magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Inuburan, Naga City, Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Itinago sa pangalang Anna, dalawang buwang buntis at 1st year high school sa Siena School of Naga ay natagpuang nakabitin sa ikalawang palapag ng kaniyang silid.

Sa phone interview, sinabi ni PO2 Christina Ricana ng Children’s and Women’s Desk ng Naga City PNP, kahapon lamang  dumulog sa pulisya ang ina at lola ng biktima kaugnay sa pagpapatiwakal ng anak na naganap dakong alas-10 ng umaga may ilang araw na ang nakalipas.

Narekober naman ang suicide note na iniwan ng dalagita na nakasaad dito na nalulungkot siya sa ginawang panghahalay ng sariling ama at inilabas din nito ang hinanakit kung bakit isinilang pa siya sa mundo.

Kaagad namang nagtungo sa bahay ng pamilya ng biktima ang kasamahang pulis para mag-imbestiga.

Samantala, tulala naman ang ina ng bata at walang masabi sa dinadalang mabigat na problema ng anak.

Natunugan naman ng suspek ang pagsusuplong sa pulisya ng kaniyang misis at biyenan kaya hindi na ito pumunta sa burol ng anak.

Hiniling naman ng pulisya sa pamilya ng biktima na  isailalim ang bangkay nito sa awtopsya upang mabatid kung positibong hinalay nga ito ng kaniyang sariling ama.

vuukle comment

BARANGAY INUBURAN

CEBU

CHRISTINA RICANA

HINILING

ITINAGO

KAAGAD

NAGA CITY

NAREKOBER

NASAKLAP

SIENA SCHOOL OF NAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with