^

Probinsiya

Berdugo ng Sayyaf, tiklo

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga ope­ratiba ng pulisya ang isa sa mga bandidong Abu Sayyaf na sangkot at pamumugot ng mga bihag sa Sulu noong 2002 sa inilatag na operas­yon sa Lamitan City, Basilan kahapon.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Kenneth Balisang, hepe ng Lamitan City PNP, kinilala ang nasakoteng suspek na si Hadjer Arasani alyas Injing/Ilking na nahaharap sa kasong kidnapping with serious illegal detention.

Bandang alas-2:45 ng madaling araw nang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest ng korte si Arasani  sa Barangay Tandung Ahas sa nasabing lungsod.

Nabatid na si Arasani ay sangkot sa pagdukot ng anim na miyembro ng Jehovah’s Witnesses noong Agosto 2002 sa bayan ng Patikul, Sulu na kinabibilangan ng apat na babae at dalawang lalaki na nagsasagawa ng door-to –door sale ng mga cosmetic products.

Isang araw matapos dukutin ang mga biktima ay pinugutan ng mga bandido ang dalawa sa mga hostages na lalaki.

Samantala, nailigtas naman sa isinagawang rescue operations ng tropa ng militar ang iba pang mga bihag makalipas ang ilang linggong pagkakabihag.

Isinasailalim sa masu­sing tactical interrogation ang nasakoteng berdugong kidnaper.

ABU SAYYAF

AGOSTO

ARASANI

BANDANG

BARANGAY TANDUNG AHAS

BASILAN

CHIEF INSPECTOR KENNETH BALISANG

HADJER ARASANI

LAMITAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with