6 tulak timbog sa buy-bust

CAVITE, Philippines — Arestado ang anim na indibidwal na kabilang sa listahan ng Street Level Individuals (SLI) sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Tapia, Miyerkules ng gabi, Nobyembre 25, 2026.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi nang ikasa ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng General Trias CCPS, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang operasyon sa nasabing barangay na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.
Kinilala ng General Trias Component City Police Station (CCPS) ang mga suspek na sina alyas na “Angel,” “Roma,” “Gles,” “Dencio,” “Rob,” at “Mary,” pawang mga nasa hustong gulang at residente ng lugar.
Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga naaresto ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 7.86 gramo na nakalagay sa Biogesic can.
Narekober din sa lugar ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
- Latest

















