^

Probinsiya

Kampanya vs droga pinaigting

- The Philippine Star

CEBU , Philippines - Magkatulong na pinaigting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu at ng Ramon Aboitiz Foundation,Inc. ang kampan­ya laban sa ipinagbabawal na droga sa ini­lunsad na programang “Just Say No!” kung saan itinaon sa selebrasyon ng International Day Against Drug Abuse.

Nilagdaan nina Cebu Governor Gwen Garcia at Father Ernesto Javier ng RAFI Board of Trustees ang Memorandum of Agreement kung saan ang implementasyon nito ay pangungunahan ng Cebu Provincial Anti-Drug Abuse Commission (CPADAC).

Ang naturang Komisyon ay itinatag sa pamamagitan ng Ordinansa Blg. 2011-14 na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Cebu.

 “Sa pamamagitan ng programang ito, nais na­ming ipakita na higit na magiging maunlad ang isang pamilya, isang barangay at ang buong komunidad kung hindi nila magiging problema ang drug abuse,” ani Gov. Garcia na tumatayong chairman ng CPADAC.

 “Umaasa ako na ang ating kampanya laban sa illegal na droga ay higit na magpapasigla sa ekonomiya ng Cebu at makakatulong upang mapanatili ang reputasyon nito bilang pangunahin at pinakamayamang probinsya ng bansa,” dagdag pa ni Garcia.

BOARD OF TRUSTEES

CEBU

CEBU GOVERNOR GWEN GARCIA

DRUG ABUSE

DRUG ABUSE COMMISSION

FATHER ERNESTO JAVIER

GARCIA

JUST SAY NO

MEMORANDUM OF AGREEMENT

ORDINANSA BLG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with