^

Probinsiya

10-anyos nasagip, kidnapper tiklo

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nasagip ng mga operatiba ng pulisya ang isang 10 anyos na batang lalaki matapos masakote ang lalaking kumidnap rito sa isinagawang operasyon sa Lugay-Lugay District sa lungsod ng Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Cotabato City Police Director P/Sr. Supt. Danny Reyes, kinilala ang nasakoteng suspek na si Musa Maslamama.

Ang nasagip na biktima na itinago sa pangalang Junjun ay anak ni Jamal Ambong, lider ng Purok sa Brgy. Bagua Uno ng lungsod na ito.

Base sa imbestigasyon, ang biktima ay kinidnap ng suspek nitong Huwebes dakong alas- 9 ng umaga sa bisinidad ng pinapasukan nitong paaralan sa Lugay-Lugay Elementary School at umano’y nag-text sa ama ng bata na hawak niya ang anak nito.

Ayon sa opisyal, hindi pera kundi cal. 45 pistol umano ang demand ng suspek sa ama ng bata kapalit ng kalayaan nito kung saan ay nakipagkasundo itong makipagkita sa lugar.

Samantalang,lingid sa kaalaman ng suspek ay nag­report sa pulisya ang pamilya ng bata at isinagawa ang entrapment laban sa naturang kidnapper na nagresulta sa kaniyang pagkakaaresto.

AYON

BAGUA UNO

BRGY

COTABATO CITY POLICE DIRECTOR P

DANNY REYES

JAMAL AMBONG

LUGAY-LUGAY DISTRICT

LUGAY-LUGAY ELEMENTARY SCHOOL

MUSA MASLAMAMA

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with