Kambal na coed dinukot; 1 ni-rape
MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit ng kakambal na estudyanteng dalaga matapos na halayin ng mga kidnaper habang nailigtas naman sa rescue operation ang kakambal nito sa bayan ng Aleosan, Cotabato kamakalawa.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Cornelio Salinas, North Cotabato PNP director, una nang pinalaya kamakalawa ang biktimang itinago sa pangalang Vanessa, 17, 2nd year high school student sa Pagangan II.
Si Vanessa ay kinidnap noong Lunes at pinalaya kinabukasan matapos itong halayin ng isa sa mga kidnaper.
Samantala, ang kakambal naman nitong itinago sa pangalang Julie ay dinukot kamakalawa ng umaga habang papasok sa eskuwelahan subalit nasagip kinagabihan matapos matunton ang pinagtataguan ng mga kidnaper.
Hindi naman ginalaw si Julie bagaman natakot siya para sa kaniyang buhay habang sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong pag-ibig at hidwaan sa lupa ang isa sa motibo sa pagdukot.
- Latest
- Trending