^

Probinsiya

Mga armas, droga nasamsam sa konsehal

- The Philippine Star

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganin ang 37-anyos na konsehal ng barangay matapos makumpiska sa kanyang tahanan ang ibat-ibang uri ng armas, bomba, bala at bawal na droga sa isinagawang raid ng mga awtoridad sa Barangay Maura sa ba­yan ng Aparri, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni Regional Director Juvenal Azurin ng Philippine Drug Enforcement Agency ang suspek na si Kagawad Jonald Villena. Nasamsam sa tahanan ng suspek ang M-16 Armalite Rifle; 3- shotgun, cal. 38 cal. revolver; homemade cal. 5.56 pistol, cal.45 pistol; 4 granada, ibat-ibang uri ng bala, 20 gramo ng shabu, mga aluminum foil, 2 surgical scissor at iba pang drug pharapernalia. Ayon kay Azurin, ang raid na isinagawa base sa search warrant na ipinalabas ni Judge Conrado Manauis ng Aparri Regional Trial Court Branch 8. Victor Martin at Raymund Catindig

APARRI

APARRI REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ARMALITE RIFLE

BARANGAY MAURA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JUDGE CONRADO MANAUIS

KAGAWAD JONALD VILLENA

NUEVA VIZCAYA

RAYMUND CATINDIG

REGIONAL DIRECTOR JUVENAL AZURIN

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with