Misis grinipuhan ni mister
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 42-anyos na misis matapos saksakin ng kanyang mister sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 3, Barangay Tastas sa Ligao City, Albay kamakalawa ng gabi. Naisugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Julieta Arellano habang nakatakas naman ang suspek na si Nestor Arellano, 53, magsasaka. Lumilitaw na umuwi ang suspek na lango sa alak kaya tinalakan ng kanyang misis kaya nairita ito at isinagawa ang pananaksak.
- Latest
- Trending