^

Probinsiya

Ginang kritikal sa taga

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Dahilan lamang umano sa tampuhan at panlalamig sa isa’t isa, nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang ginang nang pagtatagain ng kaniyang mister matapos ang mainitang pagtatalo sa Batac City, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Redelina Dalinoc, 52, residente ng nasabing lugar habang nahaharap naman sa kasong frustrated parricide ang mister nitong si Jose Dalinoc, 51 taong gulang kung saan ay P200,000 ang inilaang piyansa ng korte sa pansamantala nitong kalayaan.

Nabatid na sa kainitan ng pagtatalo ng mag-asawa ay hinagilap ng suspek ang bagong hasa nitong itak at pinagtataga ang kaniyang misis sa leeg saka iba pang bahagi ng katawan.

Isinugod naman sa Mariano Marcos Memorial Hospital ang ginang na nasa malubhang kalagayan.

vuukle comment

BATAC CITY

DAHILAN

ILOCOS NORTE

ISINUGOD

JOSE DALINOC

KINILALA

MARIANO MARCOS MEMORIAL HOSPITAL

NABATID

NITONG

REDELINA DALINOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with