^

Probinsiya

2 paslit pinatay sa sakal, nilunod ng adik na ina

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal ang sinapit  ng da­lawang paslit na magkapatid kabilang ang isang 1-anyos na batang babae matapos patayin sa sakal at lunurin pa sa kanal ng 24-anyos na sarili ng mga itong ina na umano’y bangag sa droga sa bayan ng Hinigaran, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Ayon sa Negros Occidental Police, kapwa naninigas at umaalingasaw na ang bangkay ng mga biktimang sina Carmela, 1-anyos at Violy Mae, 3 taong gulang na tinabunan pa ng dahon ng saging sa tubuhan nang madiskubre kamakalawa sa isang taniman ng tubo sa Brgy. Calapi, Hinigaran ng lalawigang ito.

Arestado naman ang suspek na si Mira Lacson, hiwalay sa asawa, walang hanapbuhay na ngayo’y nahaharap sa kasong parricide sa dalawa nitong anak sa magkaibang ama dahilan sa kasasama sa mga tambay. 

Base sa imbestigasyon, naiirita umano si Mira na isang hinihinalang sugapa sa droga sa kanilang lugar dahilan sa tuwing aalis ito ng bahay para sa kaniyang mga bisyo ay umiiyak at humahabol ang kaniyang mga anak. 

Nitong Lunes dakong ala-1 ng hapon  ay aalis sana ang ginang pero dahilan sa umiiyak ang mga bata ay pinagsabihan siya ng kaniyang mga magulang na kung di paawat sa pagiging ‘happy go lucky’, ay bitbitin ang kaniyang mga anak sa paggala nito.

Gayunman, matapos ang ilang araw nang umuwi ang ginang ay hindi nito kasama ang mga bata kaya kinutuban ang kaniyang mga magulang at hinanap ang mga apo sa tulong ng mga barangay tanod  na humantong sa taniman ng tubo kung saan isinagawa ang krimen. 

Sa presinto, inamin naman ng ginang na nilunod niya sa kanal at pinatay sa sakal ang kaniyang mga anak dahilan sa abala ang mga ito sa kaniyang mga paggala kasama ang tambay na hinihinalang adik sa kanilang lugar.

vuukle comment

ARESTADO

HINIGARAN

KANIYANG

MIRA LACSON

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL POLICE

NITONG LUNES

VIOLY MAE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with