^

Probinsiya

4 todas sa SCTex road mishap

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Apat-katao kabilang ang isang doktor ang iniulat na nasawi habang apat iba pa ang grabeng nasugatan makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa rai­lings ng Subic –Clark-Tarlac Expressway sa bayan ng Porac, Pampanga noong Martes ng hapon.

Kinilala naman ni PNP-Highway Patrol Group director P/Chief Supt. Leonardo Espina ang mga nasawi na sina Dr. Richard Quilang, 43, ng Tondo; Charlotte Rivera, John Mallari, at si Mariel Ocampo.

Naisugod naman sa Bataan Peninsula Medical Center ang mga sugatang sina Joyce Quilang, Rensie Ann Sabangan, Marie Joy Quilang, at si Marian Jill Quilang.

Lumilitaw na sumabog ang unahang gulong ng Ford Expedition (XKW985) na minamaneho ni Dr. Quilang sa southbound lane kaya nawalan ng kontrol at sumalpok sa konkretong railings ng SCTex kung saan tatlong beses na bumaliktad ang sasakyan.

Humagis ang katawan ng mga biktima palabas ng sasakyan kaya apat sa mga biktima ang nasawi habang apat pang iba ang malubha ang kalagayan.

vuukle comment

BATAAN PENINSULA MEDICAL CENTER

CHARLOTTE RIVERA

CHIEF SUPT

CLARK-TARLAC EXPRESSWAY

DR. QUILANG

DR. RICHARD QUILANG

FORD EXPEDITION

HIGHWAY PATROL GROUP

JOHN MALLARI

JOYCE QUILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with