^

Probinsiya

Killer ng anak ng mayor, timbog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nakasuot pa ng bullet proof vest ng masakote ng mga operatiba ng Cebu Provincial Police Office (PPO) kamakalawa  ang itinuturong gunman sa pinaslang na anak na lalaki ni Carcar City Mayor Nicepuro Apura noong nakalipas na Mayo 13.

 Sa ulat ni Carcar City Chief of Police P/Chief Inspector Teodulfo Manatad III, kinilala ang nasakoteng suspek na si Jay Boy Lauron, 28 anyos ng Brgy. Carreta, Cebu City.

Ang suspek ay nasakote sa follow-up operation sa Brgy. Tri Onion, Catigbian, Bohol bandang ala-1:30 ng hapon na sinabi sa mga awtoridad na hindi umano niya alam na anak ni Mayor Apura ang kaniyang binaril at napatay.

Ang suspek ay siyang itinuro ng mga testigo na siyang bumaril sa  25 anyos na anak ng alkalde na si Carl Vinson Apura sa isang concert disco sa Brgy. Valladolid, Carcar City noong madaling araw ng Mayo 13.

Inamin nito na nagkainitan umano sila ng batang Apura sa dance floor na hinamon siya ng duelo kaya inunahan niya ito paglabas sa disco.

Sinabi nito na nasa impluwensya umano siya ng alak ng isagawa ang krimen at agad siyang tumakas patu­ngong Cebu City saka lumulan ng ferry boat papuntang Bohol kung saan itinapon niya sa tulay ang baril na ginamit sa krimen.Itinurnover na sa kustodya ng Cebu PPO ang nasakoteng suspek.

vuukle comment

BOHOL

BRGY

CARCAR CITY

CARCAR CITY CHIEF OF POLICE P

CARCAR CITY MAYOR NICEPURO APURA

CARL VINSON APURA

CEBU CITY

CEBU PROVINCIAL POLICE OFFICE

CHIEF INSPECTOR TEODULFO MANATAD

JAY BOY LAURON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with