^

Probinsiya

3 patay sa pamamaril ng trader

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang kumpirmadong napaslang matapos ratratin ng 35-anyos na ne­gosyanteng iniwan ng kanyang ka-live-in sa naganap na amok sa bayan ng Alaminos, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga napatay ay sina Sonny Boy Asia, 19; John David Almanzur, 14; at si Welcyn Palecpec na pawang nakatira sa Ba­rangay Bisocol sa nabanggit na bayan.

Samantala, pinaghaha­nap naman ng pulisya ang suspek na si Aaron Mansu­ngayan, tubong Marawi City at residente sa nasabing barangay.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-9:25 ng gabi nang mag-amok ang suspek matapos na mabatid na nilayasan na siya ng kaniyang ka-live-in na si Marife matapos mabatid ang kaniyang pambababae.

Nabatid na tinangkang barilin ng suspek ang utol ng kanyang ka-live-in na si Gilbert subalit nagawa nitong pumalag.

Lumabas ng bahay ang suspek at nagtungo sa tindahan kung saan walang habas na nagpaputok ng baril hanggang sa mapatay ang tatlong biktima na nakatayo lamang sa nasabing lugar.

Narekober naman sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistol at tatlong depormang slugs. 

vuukle comment

AARON MANSU

ALAMINOS

BISOCOL

CAMP CRAME

JOHN DAVID ALMANZUR

KABILANG

LUMABAS

MARAWI CITY

SONNY BOY ASIA

WELCYN PALECPEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with