^

Probinsiya

2 holdaper todas sa shootout

-

LAGUNA, Philippines - Dalawang armadong kalalakihan na sinasa­bing notoryus na holdaper ang napatay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Biñan City, Laguna, kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ni P/Senior Supt Gilbert Cruz, Laguna PNP director ang isa sa dalawang napatay na si Joel Dayoc, 39, ng Brgy. Aplaya, Sta. Rosa City, Laguna samantalang inaaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa. Lumilitaw na bago mapatay ang dalawa ay hinoldap muna ang factory worker na si Lyn Garcia ng Brgy. Malusak, Sta. Rosa City, Laguna. Natangay ang bag na naglalaman ng cellphone, personal na gamit at P1,000 bago nagsitakas lulan ng motorsiklo. Namataan naman ng pulisya ang riding-in-tandem sa follow-up operation matapos makatanggap ng tawag sa telepono. Sa halip na tumigil ay nakipagbarilan pa sa mga pulis pagsapit sa Garcia Subd. at St. Francis 12 Subd. hanggang sa mapatay ang dalawa sa shootout. Narekober ang granada, baril, mga bala at ang bag ng biktima.

vuukle comment

APLAYA

BRGY

DALAWANG

GARCIA SUBD

JOEL DAYOC

KINILALA

LYN GARCIA

ROSA CITY

SENIOR SUPT GILBERT CRUZ

ST. FRANCIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with