^

Probinsiya

3 katao tinodas sa pick-up

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlo lalaki na pawang may tama ng bala sa ulo ang natagpuang patay sa loob ng isang nakaparadang behikulo na inabandona sa tabi ng highway sa Brgy. San Vicente West, Asi­ngan, Pangasinan nitong Huwebes ng gabi.

 Kinilala ang mga biktima sa pamamagitan ng mga nakuhang identification cards sa bangkay ng mga ito na sina Alberto Reyes, Joel Reyes; pawang ng Nueva Ecija at Rodolfo Cayetano ng West Crame, San Juan City, Metro Manila.

 Sinabi ni Police Regio­nal Office (PRO) 1 Spokesman Supt. Raul Romero, ang nasabing kulay maroon na Nissan Frontier pick-up (JWL-333) ay nakita ng mga residente ng Brgy. San Vicente ng bayang ito dakong alas-7:50 ng gabi.

 Nilapitan umano ng mga ito ang behikulo at laking gulat ng makitang tadtad ng tama ng bala ang windshield nito na nang kanilang silipin ay natuklasan ang nakabulagtang bangkay ng mga suspek sa loob ng sasakyan.

 Ayon kay Romero base sa inisyal na imbestigasyon  ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO)  ng Asingan Police, ang mga biktima ay pinagbabaril ng malapitan sa loob ng van base sa tinamo ng mga itong tama ng bala ng cal. 45 pistol partikular na sa kanilang likuran.

 Sa pangunang imbestigasyon ang mga biktima ay nagtungo sa Pangasinan para puntahan ang kanilang kontak na nagbebenta umano ng behikulo.

 Nakuha sa loob ng pickup ang P42,545.00 cash na nakatago pero ayon kay Solomon ay malaking halaga ang natangay ng mga suspek na pambayad ng mga biktima sa binibili ng mga itong behikulo, mga basyo ng bala ng cal.45 pistol atbp.

vuukle comment

ALBERTO REYES

ASINGAN POLICE

BRGY

JOEL REYES

METRO MANILA

NISSAN FRONTIER

NUEVA ECIJA

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with