^

Probinsiya

Trader patay sa kawatan; anak grabe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 48 anyos na negosyanteng ginang matapos na pagsasaksakin nang pumalag sa isang hinihinalang notoryus na  kawatan na nanloob sa kanilang sari-sari store na ikinasugat rin ng paslit na anak nitong babae sa Brgy. Barandal, Calamba City kamakalawa ng madaling araw.

 Kinilala ang nasawing negosyante na si Rizalina Pineda, residente ng nasabing lugar, dead-on-the spot  sa tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod naman sa J.P. Rizal Memorial Medical Hospital ang sugatang biktima na si Jelaiza,10-anyos na nagawang makilala ang suspek na nasa likod ng krimen.

Sa ulat ni Calamba City Police Director Supt. Leovi­gildo Manaig, dakong ala-1:30 ng madaling-araw ng puwersahang pasukin ng suspek na si Ariel Brondo,18 anyos ang sari-sari store ng ginang  sa naturang lungsod matapos na wasakin ang bintana.

Habang ninanakaw ang tatlong units ng cell phone ng ginang at P17,825.00 cash na kita ng tindahan ay naalimpungatan sa pagkakatulog at nahuli sa akto ang suspek na naninirahan rin sa kanilang barangay kung saan pinagsasaksak ang ginang ng akma itong sisigaw at saka ang nasa­bing bata bago tumakas.

Naaresto naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang suspek na positibong naituro ng batang biktima.

ARIEL BRONDO

BARANDAL

BRGY

CALAMBA CITY

CALAMBA CITY POLICE DIRECTOR SUPT

HABANG

ISINUGOD

RIZAL MEMORIAL MEDICAL HOSPITAL

RIZALINA PINEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with