^

Probinsiya

Sako Gang dedo sa shootout

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napaslang ang notoryus na miyembro ng Sako Gang na responsable sa serye ng pagnanakaw ng mga mamahaling manok na panabong habang isa pa ang nasugatan sa naganap na shootout laban sa pulisya sa Balud, Masbate kahapon ng umaga.

Kinilala ni PNP spokesman P/Chief Supt. Agri­mero Cruz Jr., ang napatay na si Renier Sioco habang nasugatan naman si Mark Blancaflor na kasalukuyang binabantayan sa ospital.

Samantala, nasakote naman sa follow-up operation ang isa pang kasamahan na si Catherine Sioco.

Bandang alas-5:30 ng madaling araw nang ma­kasagupa ng pinagsanib na elemento ng Balud Municipal Police Station at Masbate Provincial Public Safety Company (PPSC) ang anim na miyembro ng Sako Gang sa Sitio Bino-an, Palani, Balud.

Dahil dito ay sumiklab ang ilang minutong palitan ng putok ng baril sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng isa habang nakatakas naman ang iba pang miyembro ng gang.

Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa mga operatiba ng pulisya.

Narekober sa pinangyarihan ng palitan ng putok ang M16 rifle, garand rifle at cal. 38 revolver.

BALUD

BALUD MUNICIPAL POLICE STATION

CATHERINE SIOCO

CHIEF SUPT

CRUZ JR.

MARK BLANCAFLOR

MASBATE PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

RENIER SIOCO

SAKO GANG

SITIO BINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with