^

Probinsiya

Anak minartilyo ng ama, utas

- Ni Michelle Zoleta -

LAGUNA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 36-anyos na lalaki makaraang martilyuhin sa ulo ay sinaksak pa ng sariling ama sa loob ng kanilang bahay sa #362 Purok 1, Barangay San Vicente sa Biñan City, Laguna noong Lunes ng madaling araw.

Ayon kay P/Supt. Leonard L. Luna, hepe ng pulisya, nakilala ang suspek sa pangalang Maximo Zarate, 64, samantalang ang biktima naman na anak nito ay si Reynaldo Zarate, 36, Kapwa karpintero.

Bandang ala-1:40 ng madaling araw nang planuhing patayin ng suspek ang sariling anak habang natutulog sa loob ng sarili nilang tahanan.

Lumitaw na minartilyo ni Maximo ang sariling anak habang natutulog pagkatapos na mawalan ng lakas ng katawan ay sabay naman nitong inundayan ng saksak sa ilang bahagi ng katawan.

Napag-alaman ng pulisya na selos ang sinasabing motibo ng suspek kaya walang awang pinatay ang sariling anak.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, lumalabas na may matagal na umanong alitan ang mag-ama dahil sa madalas na pagbibiro ng hindi maganda ng biktima sa ka-live-in partner ng kanyang ama.

vuukle comment

AYON

BANDANG

BARANGAY SAN VICENTE

KAPWA

LEONARD L

LUMITAW

MAXIMO

MAXIMO ZARATE

NAPAG

REYNALDO ZARATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with