^

Probinsiya

Mayor kinidnap ng MILF rebs

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan na nagpanggap na mga pulis ang alkalde sa bayan ng Salug, Zamboanga del Norte noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Directorate for Integrated Police Operations – Western Mindanao Chief P/Director Felicisimo Khu ang biktima na si Ma­yor Jeffrey Lim ng nabanggit na bayan.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan kung may kinalaman ang mga bandidong Abu Sayyaf Group at grupo ng Moro Islamic Liberation Front rouge ele­ments sa pagdukot sa al­kalde, ayon pa sa mga opisyal ng PNP at AFP.

Lumilitaw na nagpanggap ang mga kidnaper na mga pulis na may papipirmahang dokumento sa alkalde kung saan dinisarmahan ang dalawang security escort nito na walang nagawa matapos makorner sa Salug Bus Terminal sa Barangay Poblacion bandang alas-7:19 ng gabi.

Isinakay ang biktima sa dilaw na multicab van (811) bago binagtas ang daan sa direksyon ng Barangay Caracol.

Gayon pa man, ilang oras matapos dukutin ang biktima  ay natagpuan ang getaway vehicle sa masukal na bahagi ng Barangay Caracol na sinunog ng mga kidnaper.

Samantalang bumuo na rin ng Crisis Management Committee kasabay na inilatag ang search and rescue operations ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar.

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY CARACOL

BARANGAY POBLACION

CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE

DIRECTOR FELICISIMO KHU

INTEGRATED POLICE OPERATIONS

JEFFREY LIM

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SALUG BUS TERMINAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with