^

Probinsiya

Kuya inutas ni bunso

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines  — Naging madugo ang Semana Santa ng mag-utol na lalaki matapos saksakin at mapatay ang 48-anyos na kuya ng kanyang bunsong utol sa Barangay Pinoma sa Cauayan City, Isabela kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa kaliwang tagiliran ang biktimang si Hilario Ramos, magsasaka habang kalaboso naman ang suspek na si Erwin Ramos, 37, traysikel drayber. Base sa police report, lumilitaw na nakipag-inuman ang suspek sa kanyang mga pinsang lalaki at nang malasing ay hinataw nito sa ulo ang isa sa kainuman. Nagising naman ang biktima sa kaguluhan ng kanyang utol kung saan pinagsabihan ang kanyang utol na magnilay-nilay dahil sa pagpasok ng Semana Santa. Subalit nairita ang suspek na lango na sa alak sa tinuran ng kanyang kuya kaya naganap ang pamamaslang. Sising alipin naman ang suspek na naghihimas ng rehas na bakal matapos mapatay ang sariling utol.

vuukle comment

BARANGAY PINOMA

CAUAYAN CITY

ERWIN RAMOS

HILARIO RAMOS

ISABELA

KANYANG

NAGISING

NAPURUHAN

SEMANA SANTA

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with