^

Probinsiya

5 patay sa flashflood sa Capiz

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa lima katao ang iniulat na nasawi sanhi ng flashflood dulot ng malalakas na pag-ulan sa lalawigan ng Capiz, ayon sa ulat kahapon.

Sa ipinalabas na report ng Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) nakilala ang mga nasawing biktima  na sina Diomer Albay, 14 anyos at Kathlene Padilla, 3; kapwa ng  bayan ng Cuartero; Jolly Diosco, 14, at Karen Denubo, 10, ng bayan ng Panit-an at Rey Reyes, 9, ng Poblacion Proper, Mambusao; pawang ng nasa­bing lalawigan.

Ang mga ito, ayon sa ulat ay pawang nasawi sa pagkalunod sanhi ng mataas na mga pagbaha sa kanilang lugar na nagsimula nitong nakalipas na mga araw dulot ng masamang lagay ng panahon o ang tail end of the cold front.

Naitala naman sa  6,737 pamilya ang apektado ng mga pagbaha sa may 143 barangay sa 13 bayan ng lalawigan.

Samantala,  iniulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot na sa P65.657 M ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura bunga naman ng mga pagbaha sa lalawigan ng Oriental Mindoro partikular na sa bayan ng Naujan na pinaka-grabeng naapektuhan.

CAPIZ

CAPIZ PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

DIOMER ALBAY

JOLLY DIOSCO

KAREN DENUBO

KATHLENE PADILLA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

ORIENTAL MINDORO

POBLACION PROPER

REY REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with