^

Probinsiya

Buntis kinatay; lover nag-suicide

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 21-anyos na buntis na ginang matapos pagsasaksakin ng kanyang desperadong kalaguyo bago nag-suicide sa loob ng cottage sa beach resort sa bayan ng Majayjay, Laguna noong Martes ng gabi.

Lumilitaw na noong Martes ng gabi nang madiskubre sa loob ng nirentahang cottage 5 ang du­guang katawan ng babaeng buntis na si Renalou Gripo na may 37 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa ibaba ng papag.

Samantala, ang lalaki naman na si Roman Ramos, 52, mekaniko ay may laslas sa kaliwang pulso at nakataob ang bangkay sa kama.

Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Inspector Richard Dones Corpus, hepe ng Majayjay PNP, isang uri ng crime of passion ang karumal-dumal na krimen ang naganap sa Scenic View Resort sa Barangay Ilayang Banga.

“Isinulat pa gamit ang dugo ng lalaki, probably bago nag-suicide ang katagang “sorry” sa dingding ng kuwarto, nakita ng a­ting mga SOCO operatives na nagresponde sa crime scene,” ani Corpus.

Nabatid na ang pagkakatagpo sa 2 bangkay ay ini-report sa pulisya ng manager ng resort na si Danny Tonpo.

Lumilitaw din sa imbestigasyon na narinig pa ng ilang staff ng resort ang kalabugan sa silid ng da­lawa  pero sa pag-aakalang away mag-asawa ay hindi sila nanghimasok.

Napag-alaman din na dating magnobyo ang da­lawa pero nagpakasal sa ibang lalaki  na kasingtanda nito ang babae at hindi naman matanggap ng matandang kalaguyo nito na nabuntis na ang minamahal.

Samantala, sa kabila ng nag-asawa na ang babae ay nagpatuloy pa rin ang relasyon ng dalawa na kapwa taga-Liliw, Laguna kung saan madalas ma­ging customer sa nabanggit na resort.

Natagpuan din sa crime scene ang basag na bote ng alak na indikasyong nag-inuman pa ang magkalaguyo, pregnancy test na may dalawang linya na nangangahulugang positibong buntis ang babae at matalim na kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

vuukle comment

BARANGAY ILAYANG BANGA

DANNY TONPO

ISINULAT

LUMILITAW

MAJAYJAY

RENALOU GRIPO

ROMAN RAMOS

SAMANTALA

SCENIC VIEW RESORT

SENIOR INSPECTOR RICHARD DONES CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with