^

Probinsiya

3 bagets todas sa killer bus

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Maagang sinalubong ni kamatayan ang tatlong magkakaibigang bagets na lulan ng motorsiklo makaraang suwagin ng pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Panay Norte sa bayan ng Masingal, Ilocos Sur kamakalawa.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Louie Jay Tabag, 15, 3rd year high school student; Ritchel Reta, at si Richard Bael na kapwa 18-anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na humaharurot ang motorsiklo na minamaneho ni Tabag kung saan nag-overtake sa ilang sinusundang sasakyan sa highway na animo’y may hinahabol.

Gayon pa man, nag-overtake uli sa sinusundang sasakyan at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong nito ang pampasaherong Fariñas Bus ni Policarpio Ilag, 42.

Hindi na nailagan ng bus ang motorsiklo ng mga biktima kung saan sumuot pa ito sa ilalim ng sasakyan habang sumuko naman sa pulisya ang drayber ng bus.

vuukle comment

BARANGAY PANAY NORTE

FARI

GAYON

ILOCOS SUR

KABILANG

LOUIE JAY TABAG

MAAGANG

MASINGAL

POLICARPIO ILAG

RICHARD BAEL

RITCHEL RETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with