^

Probinsiya

Pulis nag-amok, namaril

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY, Philippines  - Posibleng masibak sa tungkulin ang isang pulis-Real matapos na mag-amok ay sinasabing namaril pa sa labas at loob ng bahay ng negosyanteng lalaki sa RJ Ville Subdivision kahapon ng umaga.

Kasalukuyang tinutugis na ng kanyang mga kabaro ang suspek na si SPO2 Ruelito Roxas na nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Real, Quezon.

Sa ulat nina SPO2 Ferlito Mangubat at SPO1 Randy Pastorfide, dakong alas-6 ng umaga nang nagtungo ang suspek sa bahay ni Greg Lobos at sa hindi malamang kadahilanan ay pinagmumura ito.

Hindi pa nasiyahan ang suspek ay nagpaputok pa ng baril sa ere ng ilang ulit.

Sa takot ng biktima ay nagtago sa kusina kung saan pumasok naman ang pulis sa loob ng bahay at makailang beses pang nagpaputok ng baril.

Nakatawag naman sa himpilan ng pulisya si Lobos kaya mabilis na rumesponde si P/Senior Supt. Ramon Balauag at ang kanyang mga tauhan subalit hindi na nila inabutan ang suspek.

Narekober ng pulisya ang12 basyo ng cal. 9mm sa paligid at loob ng bahay ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

FERLITO MANGUBAT

GREG LOBOS

KASALUKUYANG

NAKATAWAG

NAREKOBER

RAMON BALAUAG

RANDY PASTORFIDE

RUELITO ROXAS

SENIOR SUPT

VILLE SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with