^

Probinsiya

Anak pinugutan ng ama

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Halos mapugutan ang 34-anyos na anak matapos pagtatagain ng kanyang sariling ama sa naganap na brutal na krimen sa loob ng kanilang tahanan sa bayan ng Pilar, Capiz noong Bi­yernes ng hapon.

Sa text message, kinilala ni P/Senior Supt. Domingo Cabillan ang napatay na biktimang si Denson Besona habang arestado naman ng pulisya ang suspek na si Celso Besona, 65, mangingisda.

Sa imbestigasyon, naganap ang krimen dakong alas-5:30 ng hapon sa tahanan ng pamilya Besona sa Sitio Kanon, Brgy. Natividad.

Katatapos lamang ng biktima sa pangingisda nang maabutan na naglalasing ang ama kung saan sinita nito kaya nauwi sa matinding pagtatalo.

Sa kainitan ng pagtatalo ay tinaga ng suspek ang kanyang anak na nagawa namang maagaw ang itak na inihagis nito pero nakakuha ng isa pang itak ang matanda kung saan pinagtataga ang anak sa leeg.

vuukle comment

BESONA

BRGY

CAPIZ

CELSO BESONA

DENSON BESONA

DOMINGO CABILLAN

KATATAPOS

NATIVIDAD

SENIOR SUPT

SITIO KANON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with