^

Probinsiya

Graduating stude tiklo sa buy-bust

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY ,Philippines - Isang 20-anyos na graduating student sa kolehiyo ang maaaring hindi na mabibigyan ng kaukulang pagkilala dahil sa pagkakasangkot nito sa pagbebenta ng marijuana bricks matapos maaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Carig, Tuguegarao City kamakalawa.

Ayon kay PDEA Regional Director Juvenal Azurin, bibigyan pa rin nila ng pagkakataong makakuha ng final examinations ang suspek na si Jessie Antonio, BS Physics student sa Cagayan State University at residente ng Baggao, Cagayan.

Ayon kay Azurin, bagama’t pumayag ang CSU Arts and Sciences Dean Archimedes Artikulo na bigyan ng special examinations sa kanilang custody si Antonio na may impressive academic record; tututol ito na mabigyan ang suspek ng parangal bilang Outstanding graduate ng pamantasan dahil sa pagkakasangkot nito sa drug trafficking.

Natimbog si Antonio matapos bentahan ng pinatuyong marijuana brick ang isang poseur-buyer ng PDEA sa Barangay Carig.

Inamin naman ng suspek ang ginawa niyang pagtutulak ng droga sa mga kaklase upang matustusan nito ang kanyang pag-aaral.

vuukle comment

ARTS AND SCIENCES DEAN ARCHIMEDES ARTIKULO

AYON

AZURIN

BAGGAO

BARANGAY CARIG

CAGAYAN STATE UNIVERSITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JESSIE ANTONIO

REGIONAL DIRECTOR JUVENAL AZURIN

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with