^

Probinsiya

Alitan sa lupa: 3 magsasaka todas

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Albay ,Philippines  – Tatlong magsasaka ang iniulat na napatay habang kritikal naman ang 70-anyos na lola makaraang magkabarilan dahil sa pinag-aagawang lupaing sinasaka sa Barangay Magbalon sa bayan ng Cawayan, Masbate kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa mga napatay ay sina Juanillo Noynay, 39; Loloy Noynay, 59; at si Rolly Adriano 62, pawang magsasaka habang ginagamot naman sa Masbate Provincial Hospital ang malubhang nasugatang si Natividad Noynay, 70.

Samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Pepe Noynay Jr.

Ayon sa pulisya, naganap ang kaguluhan sa loob ng bahay ng pamilya Noynay kung saan nagkaputukan bandang ala-una ng madaling-araw.

Narekober sa crime scene ang dalawang itak, kutsilyo , cal. 38 revolver at cal. 357 revolver.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Eriberto Olitoquit, alitan sa lupa ng pamilya na minana sa kanilang mga magulang ang isa sa dahilan ng pamamaslang.

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY MAGBALON

ERIBERTO OLITOQUIT

JUANILLO NOYNAY

LOLOY NOYNAY

MASBATE PROVINCIAL HOSPITAL

NATIVIDAD NOYNAY

PEPE NOYNAY JR.

ROLLY ADRIANO

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with