^

Probinsiya

4 dedo sa typhoid outbreak

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Apat-katao na ang naitalang nasawi habang aabot naman sa 558  ang dinapuan ng malalang sakit na typhoid sa ilang barangay sa bayan ng Tuburan, Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ni Dra. Cristina Giango, pinuno ng Integrated Provincial Health Office, hanggang kamakalawa ay nasa 4-katao na ang namamatay sa pananalasa ng tipus sa walong barangay.

Sa inisyal na pagsusuri, lumilitaw na kontaminadong tubig  ang pinagmulan ng bacterium Salmonella typhi kaya nagka- typhoid outbreak sa mga Barangay Marmol, Calangahan, Alegria at iba pa.

Ang mga pasyente na karamihan ay naka-confine sa Tuburan District Hospital at Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City ay nakakaranas ng mataas na lagnat, diarrhea, matinding pananakit ng ulo, kawalan ng ganang kumain at panghihina ng katawan.

Samantala, nagpadala na  ng medical teams ang Central Visayas Office ng Department of Health upang maagapan ang pananalasa ng tipus.

ALEGRIA

APAT

BARANGAY MARMOL

CEBU CITY

CENTRAL VISAYAS OFFICE

CRISTINA GIANGO

DEPARTMENT OF HEALTH

INTEGRATED PROVINCIAL HEALTH OFFICE

TUBURAN DISTRICT HOSPITAL

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with