^

Probinsiya

Mister nag-dive mula barko, todas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 25-anyos na lalaki na sinasabing may diperensya sa pag-iisip matapos tumalon mula sa barkong biyaheng Cebu City sa bahagi ng karagatan ng Gigangte Island, Iloilo kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Marvin Andales na narekober ang bangkay ilang oras matapos lumutang sa dagat.

Sa ulat ng Iloilo PNP na nakarating sa Camp Crame, bandang ala-1:45 ng hapon habang lulan ng barko si Marvin at lola nitong si Candida patungong Cebu City mula sa Maynila nang maganap ang insidente.

Agad namang iniutos ng kapitan ng barko ang search and rescue operation at sa tulong ng mga lokal na mangingisda ay narekober ang katawan ng biktima.

Nabatid na ang maglola ay nakatakda sanang salubungin ng kanilang pamilya sa Pier 3 sa Cebu City bandang alas- 10:30 ng gabi subalit nabalewala.

CAMP CRAME

CEBU CITY

GIGANGTE ISLAND

ILOILO

KINILALA

KUSANG

MARVIN

MARVIN ANDALES

MAYNILA

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with