^

Probinsiya

3rd year hayskul inutas sa klasrum

- Dino Balabo -

BULACAN, Philippines  —Naglahong parang bula ang matayog na pangarap ng 14-anyos na estudyante matapos pagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ng ilang estu­dyanteng miyembro ng gang sa Marcelo H. Del Pilar National High School sa Malolos City, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa ospital subalit namatay din ang biktimang si Jericho Fuellas, 14, 3rd year student sa nabanggit na eskuwelahan at nakatira sa Barangay Longos sa nasabing lungsod.

Samantala, isinuko naman sa pulisya ng kanyang pamilya ang suspek na 16-anyos kung saan nasa kustodiya ng City Social Welfare and Development Office.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. David Poklay, hepe ng Malolos PNP, naganap ang krimen bandang alas-4 ng hapon sa Building B, Room 228 sa nasabing school.

Lumilitaw na nasa loob ng klasrum ang mga estudyante kabilang na ang biktima nang atakihin ng grupo ng suspek na miyembro ng TBS Gang.

Sumaklolo naman ang ilang kaklase ng biktima ngunit sinaksak din ng grupo ng suspek kung saan nasugatan ang 17-anyos na lalaki. 

Isa sa mga mag-aaral ang nagsabi na ang suspek ay kasapi ng TBS Gang habang ang biktima naman ay grupong Mafia Creeps Gang.

Kinondena naman ng 10, 000 mag-aaral at alumni ng pinakamalaking paaralan sa Central Luzon ang MHDPNHS.

Samantala, tiniyak naman ni Ramel Fuellas, tiyuhin ng biktima na magsasampa sila ng kaukulang kaso laban sa suspek upang mabigyang katarungan ang pagpatay sa pamangkin.

vuukle comment

BARANGAY LONGOS

BUILDING B

CENTRAL LUZON

CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE

DAVID POKLAY

DEL PILAR NATIONAL HIGH SCHOOL

JERICHO FUELLAS

MAFIA CREEPS GANG

MALOLOS CITY

MARCELO H

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with