^

Probinsiya

NPA attack silat sa Cafgu

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nasilat ng isang sundalo ng Cafgu Active Auxiliary na naka-off duty ang pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army sa kaniyang tahanan na ikinasawi ng isa sa mga rebelde sa Barangay Ilaya sa bayan ng Balud, Masbate kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Army‘s 9th Infantry Division spokesman Major Angelo Guzman, hindi nasiraan ng loob si Cafgu Romy Ariola na makipagbarilan sa grupo ng mga lumusob na rebelde.

Bandang alas- 4:40 ng hapon  nang salakayin ng ilang rebeldeng NPA ang bahay ni Ariola sa nasabing lugar.

Nakipagpalitan ng putok si Ariola sa mga rebelde kung saan nasapul nito ang isa sa mga rebelde kaya mabilis namang umatras ang iba pang rebelde.

Nakilala naman ang nasawing rebelde na si Noel Sioco kapatid ni Cathernie Sioco alyas Ka Chin Chin na pawang miyembro ng Front Committee 83 ng NPA sa Masbate.

“Kailangan kung protektahan ang aking pamilya sa kapahamakan, nagpapasalamat ako at walang nasaktan sa kanila,” pahayag ni Ariola.

Nabatid pa na si Sioco ang responsable sa pagpatay sa kapatid ni Ariola noong 2010.

Kaugnay nito, pinapurihan naman ni Lt. Col. Julian Pacatan, commanding officer  ng Army’s 9th Infantry Battalion si Ariola sa ipinakita nitong katapangan.

ARIOLA

BARANGAY ILAYA

CAFGU ACTIVE AUXILIARY

CAFGU ROMY ARIOLA

CATHERNIE SIOCO

FRONT COMMITTEE

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JULIAN PACATAN

KA CHIN CHIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with