^

Probinsiya

14-anyos pumalag sa rapist, inutas

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinagsasak­sak hanggang sa mapatay ang isang 14-anyos na dala­gitang estudyante matapos itong pumalag sa rapist sa Barangay Pinamasingan sa bayan ng San Pascual, Masbate noong Biyernes ng umaga.

Bandang alas-7 ng umaga­ nang matagpuan ang duguang katawan ni Edna Pempe, 3rd year hayskul sa San Pascual National High School at residente sa nasabing barangay.

Samantala, sumuko naman sa Barangay Chairman matapos makonsiyensya sa ginawang krimen ang suspek na si Richard Argawanon, 21, ng Sitio Biga sa Barangay Bolod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nag­lakad na lamang ang biktima patungong eskuwelahan dahil walang masakyang jeepney nang harangin at tangkang halayin ng suspek.

Subalit nanlaban ang biktima kaya napilitang saksakin ng suspek saka inabandona sa liblib na bahagi ng nabanggit na barangay.

Nadiskubre naman ng ilang estudyanteng naglalakad ang duguang katawan ng biktima kaya naipagbigay-alam sa pulisya.

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY BOLOD

BARANGAY CHAIRMAN

BARANGAY PINAMASINGAN

EDNA PEMPE

LEGAZPI CITY

RICHARD ARGAWANON

SAN PASCUAL

SAN PASCUAL NATIONAL HIGH SCHOOL

SITIO BIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with