^

Probinsiya

Misis tinodas, mister nag-suicide

-

BATANGAS, Philippines - Madugo ang Valentine’s Day ng mag-asawa na imbes bulaklak ang pasalubong na regalo ay pinagbabaril ang misis hanggang sa mapa­tay ng kanyang selosong mister bago ito nag-suicide sa lalawigan ng Batangas kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawing si Ria Labandila, 32, habang natagpuan namang patay ang kaniyang mister na si Joel Labandilla, 33, na sinasabing nagbaril sa ulo.

Base sa police report, naganap ang krimen bandang alas-4:50 ng hapon sa Barangay Sto. Niño sa bayan ng San Pascual.

Lumilitaw na galit na pinagbabaril ng misrter ang kaniyang misis sa hinalang may ibang lalaki  at matapos mapatay ang asawa ay mabilis na tumakas lulan ng Starex van (WFC 542 ).

Samantala, nagbaril naman sa ulo ang mister sa Batangas Bay sa Barangay San Miguel sa bayan ng Bauan, Batangas. 

Ayon sa mga imbestigador ng pulisya, love triangle ang unang lumulutang na motibo sa krimen dahil nagseselos ang mister sa kaniyang asawa na pinagbibintangan nitong nagtataksil.

Naulila naman ng mag-asawa ang tatlong anak kung saan patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN MIGUEL

BARANGAY STO

BATANGAS

BATANGAS BAY

BAUAN

JOEL LABANDILLA

KINILALA

RIA LABANDILA

SAN PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with