Konsehal nabaril sarili, utas
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isang 64-anyos na miyembro ng Sangguniang Bayan ang iniulat na nasawi matapos na mabaril ang sarili sa bahay ng kaniyang kaibigan sa Barangay Bimmanga sa bayan ngTagudin, Ilocos Sur noong Biyernes ng umaga. Batay sa ulat ng pulisya na nakarating kay P/Senior Supt. Nestor Amuyo, Ilocos Sur PNP director, dumalaw ang biktima sa kaibigang si Danilo Lanoza upang kilatisin ang baril nitong cal. 45 pistol dahil balak nitong bumili ng ganung klaseng armas. Gayon pa man, pansamantalang iniwan ni Lanoza ang biktima habang ininspeksyon ang baril pero kasunod nito ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril kung saan tumama sa dibdiib nito. Sa pahayag ni Lanoza sa mga awtoridad, hiniram ng biktima ang kaniyang cal. 45 pistol na plano nitong bilhin.
- Latest
- Trending