^

Probinsiya

2-anyos nilapa ng aso

- Ni Malu Cadelina Manar -

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Nagmistulang laruang basahan ang isang 2-anyos na batang lalaki matapos lapain ng alagang aso ng kanyang tiyuhin sa Barangay Poblacion sa Kidapawan City kamakalawa ng tanghali.

Base sa salaysay ni Aling Eden Cepe Laniton, lola ng biktima, nakahulagpos sa pagkakatali ang alaga nilang aso.

Nabatid na hindi namala­yan ng matanda na sumusunod pala sa kanya ang apo na si Daryl, di tunay na pangalan.

Dito na sinagpang ng aso ang ulo ng batang lalaki kung saan iwinasiwas na animo’y laruang basahan.

Dalawang malalalim na sugat sa ulo ang tinamo ng bata kung saan naisugod naman sa Kidapawan Doctors Hospital sa Kidapawan City.

Inamin ng matandang Laniton na hindi bakunado ang kanilang alagang aso kaya tinurukan ang bata ng anti-rabies vaccine.

Nabatid na napulot ng kanyang anak sa kalye ang aso at inalagaan.

Kasalukuyang inoobserbahan pa ng mga doktor ang bata at pinayuhan ang lola na panatilihing buhay ang aso at obserbahan sa loob ng 14 na araw. 

Kung mamamatay ang aso bago ang dalawang linggo ay posibleng maapektuhan ang central nervous system ng bata dahil sa pagkalat ng virus sa katawan nito.

Base sa medical dictio­nary, ang sintomas ng rabies ay lumilitaw sa loob ng 10-araw hanggang isang taon kapag nakagat ng aso, wolf, pusa at iba pang hayop na may rabies (hydrophobia).

Kabilang sa mga sintomas na posibleng lalabas sa ina­apektuhan ng rabies dahil sa kagat ng hayop ay ang labis na paglalaway, iritado, nahihirapan sa paghinga, namamanhid ang lalamunan at pamamanhid ng mga kalamnan.

vuukle comment

ALING EDEN CEPE LANITON

ASO

BARANGAY POBLACION

DALAWANG

DARYL

DITO

INAMIN

KIDAPAWAN CITY

KIDAPAWAN DOCTORS HOSPITAL

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with