Warrant ops sa Cavite nauwi sa shootout: 2 sugatan
CAVITE, Philippines – Dalawa katao ang sugatan matapos na mauwi sa engkuwentro ang warrant operation ng pulisya laban sa isang wanted criminal na pumalag at namaril sa mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Brgy. Salud, GMA, Cavite.
Ang mga sugatang biktima ay kinilala lang a mga alayas na “Glenn” at “John” na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa hita at panga at inoobserbahan sa pagamutan.
Batay sa ulat ng pulisya, alas-8:30 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng GMA Police Warrant Section ang isang operasyon laban sa wanted na si alyas “Jay” na may dalawang standing warrant of arrest sa kasong murder.
Bitbit ang warrant of arrest, tinungo ng grupo ang lugar kung saan namataan ang suspek, subalit nakatunog ang huli at hindi pa man nakakalapit ang pulisya ay pinagbabaril na sila ng suspek.
Sa kamalasan, dalawa katao na nasa lugar ang tinamaan ng ligaw na bala sa pamamarili ng suspek na mabilis na nakatakas sa lugar.
- Latest