^

Probinsiya

Ex-vice mayor itinumba

- Ni Victor Martin at Raymund Catindig -

NUEVA VIZCAYA, Philippines  - Isa na namang dating opisyal ng lokal na pamahalaan ang iniulat na napaslang matapos ratratin ng riding-in-tandem sa bisinidad ng Barangay Poblacion Norte sa bayan ng San Ildefonso, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Insp. Jose Abaya, chief of police ng San Ildefonso, ang biktima na si Anthony “Tonyboy” Que, 55, dating bise alkalde sa bayan ng Sto. Domingo.

Base sa police report, nakikipag-usap si Que kay Arlene Tubon sa likuran ng Recel Apartment nang lapitan at pagbabarilin sa ulo at leeg.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay ng mga doktor.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng cal. 45 pistol at cal. 9mm.

Sa kasalukuyan ay wala pang nasisilip na motibo sa pamamaslang kay Que na naging negosyante matapos ang kanyang termino bilang vice mayor.

ARLENE TUBON

BARANGAY POBLACION NORTE

DOMINGO

ILOCOS SUR

ISA

JOSE ABAYA

KINILALA

NAISUGOD

RECEL APARTMENT

SAN ILDEFONSO

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with