^

Probinsiya

P40,000 napulot isinauli ng sekyu

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines - Pinatuna­yan ng isa pang security guard ang katapatan sa tungkulin matapos isauli sa may-ari ang P40,000 na napulot nito sa parking lot ng SM Shopping Mall sa Barangay Pagala sa bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon.

Pinasalamatan ni Manolito San Jose ng Barangay Tango ang sekyung si Edralin Alegano matapos isauli ang nasabing halaga na kanyang nakaligtaan sa nasabing lugar.

Napag-alamang nagroronda si Alegano sa parking lot nang mapansin ang pitaka na nakalagay sa sementong bahagi nito.

Kaagad namang ipinaabot ni Alegano sa costumer relations services ang napulot na pitaka para sa kanilang disposisyon.

Lumutang naman ang may-ari ng pitaka matapos na makipag-ugnayan ang pamunuan ng nasabing mall.

Matatandaan na isinauli rin ng sekyu na si Trinidad Quintana ang P2.5 milyong halaga na napulot nito sa nasabing mall habang si Verna Qiurante na isang tagalinis ng palikuran sa nasabing mall ay nagsauli rin ng P25,000 cash sa may-ari noong 2011. 

vuukle comment

ALEGANO

BALIWAG

BARANGAY PAGALA

BARANGAY TANGO

BULACAN

EDRALIN ALEGANO

MANOLITO SAN JOSE

SHOPPING MALL

TRINIDAD QUINTANA

VERNA QIURANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with