Obrero dinedo sa harap ng gf
January 22, 2012 | 12:00am
CAVITE, Philippines – Napaslang ang isang 25-anyos na binata matapos barilin ng di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang nobya sa Barangay 8 sa bayan ng Carmona, Cavite kamakalawa ng gabi.
Napuruhan sa ulo si Michael Angelo Zamora ng Barangay Maduya sa nabanggit na bayan.
Sa ulat ni PO2 Marlon Ramirez, pasakay ng traysikel ang biktima kasama ang kanyang nobya nang lapitan at barilin bandang alas-8:40 ng gabi. Naisugod pa sa Pagamutang Bayan ang biktima subalit idineklarang patay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest